Bangon, sa pagkakabusabos Bangon, alipin ng gutom! Katarungáy bulkang sasabog Sa huling paghuhukom. Gapos ng kahapóy lagutin. Tayong api ay magbalikwas! Tayo ngayóy inaalipin, Subalit atin ang bukas.
Itóy huling paglalaban Magkaisát nang masaklaw! Ang Internasyonal Ang Sangkatauhan.
Walang ibang maasahang Bathala o manunubos, Kaya ang ating kaligtasáy Nasa ating pagkilos. Manggagawa, bawiin ang yaman Kaisipáy palayain. Ang maso ay ating hawakan, Kinabukasáy pandayin.
Itóy huling paglalaban Magkaisát nang masaklaw! Ang Internasyonal Ang Sangkatauhan.